Kulong ang dating hepe ng Land Transportation Office (LTO) sa bayan ng Tuao, Cagayan matapos na makuha sa kanyang bahay ang isang baril at maraming bala.

Kinilala ni PCAPT Shiela Joy Fronda, information officer ng Cagayan Police Provincial Office ang suspek na si alyas “Dante.”

Sinabi ni Fronda na ikinasa ang paghalughog sa bahay ng suspek sa Barangay Villarey sa bayan ng Piat sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte.

Nakuha sa tahanan ng suspek ang isang .9mm na baril na may magazine at mga bala, isa pang magazine na may laman din na mga bala, at isang kahon ng mga bala na umaabot sa 42 piraso para sa nasabing baril.

Sinabi ni Fronda na hinuli ang suspek nang walang maipakitang mga dokumento na magpapatunay na legal ang baril at bala.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Fronda, kinasuhan na ang suspek ng Illegal Possession of Firearms and live ammonitions.