Nanawagan ng pagbibitiw ni Senate President Alan Peter Cayetano ang mga dating miyembro ng magkaribal na student political groups sa University of the Philippines, kabilang ang ilan sa dati niyang mga kaalyado sa Nagkaisang Tugon.

Ayon sa koalisyon ng SAMASA at Nagkaisang Tugon, nagkaisa sila dahil sa umano’y “grave failure of leadership” ni Cayetano kaugnay ng kontrobersiya sa sinasabing “protective custody” ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Binigyang-diin ng grupo na mahalaga ang hakbang dahil maging ang mga dating kasamahan umano ni Cayetano sa kanyang student political formation ay hayagang kumokontra na rin sa kanyang pamumuno.

Iginiit ng koalisyon na hindi ito usapin ng politika o ideolohiya kundi ng pananagutan at wastong paggamit umano ng kapangyarihan ng Senado.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Cayetano hinggil sa panawagang ito.

-- ADVERTISEMENT --