
Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng teacher exchange program sa South Korea sa pagpapalakas ng inobasyon sa pagtuturo sa Pilipinas.
Ayon sa DepEd, ang mga gurong Pilipinong lumahok sa Korea-Philippines Teacher Exchange Programme (KPTEP) ay nakapag-uwi ng bagong teaching approaches at community-based education practices matapos maranasan ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa.
Layunin ng programang inilunsad noong 2012 na palakasin ang intercultural understanding at educational collaboration ng mga guro mula Pilipinas at South Korea.
Naniniwala si Education Secretary Sonny Angara na malaki ang maitutulong ng ganitong international partnerships sa pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon sa bansa.










