Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang mas pinaigting na Learners TeleSafe Contact Center Helpline na direktang nakakonekta na sa National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline upang mas mapalawak ang serbisyong pangkalusugang pangkaisipan para sa mga mag-aaral.

Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang paglulunsad ng bagong tampok ng #33733 Helpline sa General Tiburcio De Leon National High School sa Valenzuela City.

Ayon kay Angara, layunin ng integrasyon na mailapit ang agarang tulong at de-kalidad na mental health services sa mga estudyanteng nakararanas ng pang-aabuso, bullying, at iba pang suliraning emosyonal.

Aniya, sa pag-uugnay ng #33733 Helpline sa mga dalubhasa mula sa NCMH ay mas inilalapit ang kalinga at de-kalidad na healthcare sa bawat mag-aaral upang matiyak na may katuwang sila tungo sa paggaling, kaligtasan, at panatag na kaisipan.

Maaaring kontakin ang Learners TeleSafe Helpline sa #33733 (#DEPED), 0945-175-9777, email na weprotectlearners@deped.gov.ph, at Viber.

-- ADVERTISEMENT --