
Nakatuon na ang Department of Education (DepEd) sa kapakanan at mental well-being ng mga naapektuhan ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga Grade School sa Zamboanga City ngayong Martes, Agosto 18.
Ayon sa DepEd, nakikipag-ugnayan na ito sa mga mental health partners upang maibigay ang Psychological First Aid at psychosocial support sa mga mag-aaral, pamilya, at school personnel na nangangailangan nito.
Kasabay nito, nagpahayag ang ahensya ng matinding pagkabahala sa insidente at tiniyak ang pakikiisa sa komunidad ng Ateneo de Zamboanga sa gitna ng insidente.
Naganap ang pamamaril sa loob ng school campus sa Barangay Tumaga.
Dalawang estudyante ang kumpirmadong patay, habang iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaril.
Nasa lugar na rin ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) at iba pang law enforcement personnel para sa imbestigasyon.=










