
Malugod na tinanggap ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa umano’y “ghost internet” scheme na may kinalaman sa government IT systems.
Sinabi ng DICT na handa itong magbigay ng mga kinakailangang records at system data para sa imbestigasyon, kahit wala pa itong natatanggap na pormal na notice mula sa Ombudsman.
Ayon sa ahensya, hindi nito kinukunsinti ang korapsyon at mga kontratang hindi maayos ang performance.
Ipinatupad din umano ng DICT ang mas mahigpit na monitoring sa mga kontrata, regular na internal audits at performance validation para matiyak na naihahatid nang maayos ang mga serbisyo.
Kasama rito ang pag-upgrade ng Network Monitoring System na nagbibigay-daan sa real-time monitoring ng mga Free Wi-Fi sites sa buong bansa at paggamit ng aktuwal na network data sa pag-verify ng contracts at payments.
Nauna nang inilunsad ng Ombudsman ang imbestigasyon sa umano’y “ghost internet” scheme, kung saan sinasabing may mga government IT system na nilagyan ng substandard o pekeng software.









