Ililipat na ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund sa electronic platforms ang pagpapalabas ng loan proceeds at iba pang benepisyo simula Disyembre 1, 2026.

Saklaw ng bagong sistema ang Provident Benefit Claims at Short-Term Loans, kabilang ang Multi-Purpose Loan at Calamity Loan.

Ayon sa Pag-IBIG, maaaring matanggap ng mga miyembro ang kanilang pondo sa pamamagitan ng Pag-IBIG Loyalty Card Plus na inisyu ng AUB at UnionBank, LANDBANK Cash Card, LANDBANK Payroll Account o PACSVAL, at DBP Checkless Disbursement para sa mga developer.

Pinayuhan naman ang mga miyembro na piliin ang kanilang nais na account at tiyaking tama ang mga impormasyong ibibigay upang maiwasan ang aberya sa pag-release ng kanilang pera.