
Nahuli ang isang dismissed na pulis at kanyang kasabwat sa pagpatay sa isang pulis na nakatalaga sa Bulacan Provincial Police Office.
Iprinisinta ni Brig. Gen. Jess Mendez, Region 3 police director sa media si dating Patrolman Marvin Salim, 43 anyos, ang umano’y gunman, at Adonis Santos, ang umano’y driver ng motorsiklo na ginamit sa pagpatay kay Master Sgt. Jose dela Peña Uring noong Linggo ng gabi.
Si Salim, na mula sa bayan ng Obando at dating nakatalaga sa kanyang police station, ay naaresto sa kanyang bahay, habang si Santos ay unang naaresto sa bayan ng Maysantol, Bulacan.
Sinabi ni Mendez na inaalam pa nila kung ang dalawang suspek ay gun for hire.
Sa araw ng pagpatay, si ang biktima na si Uring, na nakatalaga sa Bulacan Provincial Police Intelligence Unit, ay naging presidente ng Homeowners Association of Brooklyn Subdivision in Barangay Tuktukan, Guiguinto, at muli siyang nagpapapili.
Ilang sandali lang matapos ang pagdalo ng biktima sa caucus noong Linggo ng gabi sa basketball court sa nasabing subdivision sa bahagi ng Barangay Panginay, pinagbabaril siya sa kanyang likod at ulo.
Nasugatan din sa pamamaril ang isang babae na 54 anyos na tinamaan sa kanyang kaliwang tuhod nang pinaputukan ni Salim ang mga tao na pumalo sa kanya ng plastik na upuan nang tinangka niyang tumakas.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa kung sino ang motibo at posibleng mastermind sa nasabing krimen.










