Inilunsad ng Department of Energy (DOE) sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang electronic complaint platform kung saan pwedeng isumbong ang gasolinahan na pinaghihinalaan na lumalabag sa fuel pricing rules o nakakaranas ng kakulangan sa suplay sa gitna ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa DOE, maaaring isumite ng publiko ang kanilang concerns sa pamamagitan ng eReport tab sa eGov application.

Piliin lamang ng users ang “Gas Station Concerns” option, lapatan ang hinihinging detalye, at ilagay kung ang issue ay kasalukuyan o dating naobserbahan.

Hinikayat ng DOE ang publiko na isumbong ang kahina-hinalang aktibidad ng gasoline stations, tulad ng mga sumusunod:

Panic buying o mahabang pila
Fuel hoarding, o pagbili ng sobra-sobra ng consumers
Non-compliance sa fuel-pricing, tulad ng mabilis at malaki na pagtaas sa presyo sa loob ng isang linggo
Unauthorized price increases o paglabas sa pricing regulations
Pagtanggi na magbenta ng langis
Kakulangan sa suplay.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa DOE, nakikipag-ugnayan sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) para sa pagpapaigting ng monitoring laban sa posibleng hoarding at profiteering sa bentahan ng mga produktong petrolyo.\

Sinabi ng DOE na may natanggap na silang initial reports at mga ebidensiya ng posibleng iregularidad sa bahagi ng Luzon at Mindanao.