Nagpulong ang Cagayan Valley Center for Health Development at Department of Public Works and Highways upang patatagin ang pagtutulungan para sa pagpapatayo ng health facilities.

Layunin nito na talakayin ang progreso ng dalawang proyektong pang-imprastruktura ng kalusugan, ang nalalapit na Public Level II Northwestern Cagayan General Hospital at Senior Citizen Wellness Center, na kapwa matatagpuan sa bayan ng Abulug, Cagayan.

Tinalakay din ang mga hakbang upang mapabuti ang operasyon ng mga nasabing ospital.

Bahagi din sa pagpupulong ang planong tugunan ang mga kinakailangang lisensya, na may layuning simulan ang operasyon nito bilang isang infirmary health facility.

Ang estratehikong hakbang na ito ay naglalayong mapabilis ang pagbibigay ng mahalagang serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan at kalapit na bayan.

-- ADVERTISEMENT --