
Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa isang komite ng Kamara na ibalik sa 2026 level ang pondo para sa mga programang laban sa human trafficking, cybercrime at online sexual abuse sa mga bata.
Ayon kay Justice Undersecretary Michelle Ann Lapuz, tumataas ang mga kaso ng sextortion, online scams, online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC), online illegal recruitment at iba pang krimeng gumagamit ng teknolohiya.
Malaki umano ang ibinaba ng pondo para sa mga naturang programa. Mula ₱100 milyon noong 2026, magiging ₱36.5 milyon na lamang ang pondo para sa National Coordination Center Against OSAEC and CSAEM Secretariat.
Samantala, bumaba rin mula ₱119 milyon sa ₱70 milyon ang pondo para sa Inter-Agency Council Against Trafficking Secretariat, habang ang Office of Cybercrime ay mula ₱102.2 milyon naging ₱12.273 milyon na lamang.
Ayon kay Lapuz, maaaring maantala ng dalawa hanggang tatlong hakbang ang mga programa ng DOJ dahil sa budget cuts.
Hiniling din ni Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores ang pagbabalik ng pondo sa 2026 level upang mapalakas ang paglaban sa trafficking, cybercrime at online child abuse.










