Na-commit na sa court of origin ang isang medical doctor na naaresto sa lungsod ng Tuguegarao.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Lieutenant Colonel Gary Matagay, hepe ng Tuguegarao City Police Office, sinabi nito na inaresto ng mga pulis ang trenta’y shete (37)-anyos na akusado na residente ng lungsod sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong rape at acts of lasciviousness.

Batay sa impormasyon, naganap umano ang insidente sa lalawigan ng Apayao.

Samantala, patuloy pang kinakalap ng mga awtoridad sa Tuguegarao ang iba pang detalye kaugnay ng kaso dahil naganap ito sa ibang hurisdiksyon.

-- ADVERTISEMENT --