photo credit to DOST Region 2

TUGUEGARAO CITY-Nangako ang Department of Science and Technology (DOST) Region 2 na bibigyan ng suporta at tulong ang mapipiling top 3 sa Regional Invention Contest and Exhibit na kasalukuyang nagaganap sa Cagayan State University- Andrews campus.

Ayon kay Engr. Sancho Mabborang, Regional Director ng DOST-region 2, bukod sa matatanggap na cash award ay tutulungan din ng kanilang tanggapan na mas mapabuti ang kanilang mga imbensyon.

Aniya, ito’y para mapag-aralan pa ang kanilang mga ginawa at para makita kung mayroong potensyal na makatulong sa problema sa industriya , estado sa kalusugan, kagutuman at marami pang iba.

Samantala , ang tatanghaling winner sa naturang contest ay siyang magiging representante sa susunod na taon sa regional invention contest and exhibit.

Ang naturang aktibidad ay isinasagawa kasabay ng pagdiriwang ng Regional Science and Technology week.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Engr. Sancho Mabborang