Nagpahayag ng pasasalamat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III matapos matanggap ang mahigit P16 milyong donasyon mula sa charity event na “Boxing for a Cause: Laban sa Nasalanta.”

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, malaking tulong ang naturang pondo para sa mga pamilyang nasalanta ng habagat at iba pang kalamidad sa bansa.

Ang event, na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum, ay inorganisa ng Philippine National Police at nagtapos sa pagkapanalo ni Gen. Torre sa pamamagitan ng default win.

Bukod sa donasyon, nakalikom din ang boxing event ng mahigit P300,000 mula sa entrance fees.

Inaasahang mai-turnover ngayong linggo sa DSWD ang buong halaga na nalikom.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, iniulat ng ahensya na umabot na sa P293 milyon ang kabuuang ayudang kanilang naipamahagi sa mga apektadong indibidwal at pamilya hanggang Hulyo 26, 2025.

Patuloy ang koordinasyon ng DSWD at PNP upang mas mapalawak pa ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.