
Tinalo ng Gilas Pilipinas Women 3×3 ang Malaysia, 17-12, para umabante sa quarterfinals ng 2026 Asian Games sa Japan.
Nanguna si Kacey Dela Rosa para sa Pilipinas matapos magtala ng walong puntos at pitong rebounds, habang nagdagdag si Maria Pasilang ng anim na puntos at pitong rebounds.
Dahil sa panalo, natapos ng Gilas Women ang group stage na may 3-0 record at nanguna sa Pool C.
Naging dikit ang laro sa huling bahagi, pero nakontrol ng Pilipinas ang laban matapos ang magkakasunod na basket ni Pasilang, bago tuluyang selyuhan ang panalo sa pamamagitan ng dalawang free throw.
Kasunod ito ng pag-abante rin ng Gilas Men 3×3 sa quarterfinals matapos ang kanilang 3-0 record sa Pool A.
-- ADVERTISEMENT --









