Kinumpirma ng Department of Education na magsisimula na sa susunod na linggo ang enrollment sa mga pampublikong paaralang elementarya at sekondarya para sa darating na pasukan.

Ang pahayag ng DepEd ay matapos na ilabas ng ahensya ng DepEd Memorandum No. 32 series of 2024 na pinirmahan ni Education Undersecretary Nolasco Mempin.

Nakasaad sa naturang kautusan ang Enrollment Guidelines para sa SY 2024-2025 sa public elementary at secondary schools.

Ayon sa ahensya, ang pagpapalabas ay naglalayong gabayan ang lahat ng pampublikong paaralan at community learning centers (CLCs) sa enrollment procedures at protocols para sa nasabing school year.

Opisyal namang magsisimula ang pasukan para sa SY 2024-2025 sa darating na July 29 ng kasalukuyang taon.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, inihayag ng DepEd ang pagsasagawa ng enrollment sa lahat ng pampublikong paaralan mula Hulyo 3 hanggang 26.