TUGUEGARAO CITY – Patay ang isang estudyante matapos na malunod nang inililigtas ang kanyang mga kaibigan na nalulunod sa ilog sa bahagi ng Larion Alto sa Tuguegarao City kahapon.

Batay sa kwento ng mga kasama ng biktima na si Adriano Pacis, 14 years old na sina Nicole Limpin at Sherwin, nagpunta sila sa ilog para mag-picnic.

Lumangoy si Nicole at nang makita na nalulunod ay tinulungan siya ni Sherwin gamit ang isang kawayan.

Subalit nahulog din si Sherwin sa ilog nang mahila siya ni Nicole na dahilan para sumakloklo naman si Adriano na tumalon sa ilog para tulungan ang kanyang mga kaibigan.

Mabuti na lamang at may mangingisda sa lugar kung saan ay nailigtas sina Nicole at Sherwin habang tuluyang nalunod si Adriano.

-- ADVERTISEMENT --

Ilang oras bago nakuha ang katawan ni Adriano.