Pinaigting ng Food and Drug Administration o FDA ang pagbabantay sa mga VAT-exempt medicines upang matiyak na mas mababa ang presyo ng gamot para sa mga mamimili at mapigilan ang pagkalat ng pekeng at unregistered drugs.

Ayon sa FDA, nakikipagtulungan ang ahensya sa Department of Health at Bureau of Internal Revenue para sa joint inspections at monitoring sa mga manufacturer, distributor, at botika.

Layunin ng hakbang na mapanatiling abot-kaya ang presyo ng gamot lalo na para sa mga pasyenteng may diabetes, hypertension, cancer, at sakit sa bato.

Sinabi rin ng FDA na wala pa silang nakikitang malalaking paglabag kaugnay sa pagpapatupad ng VAT exemption sa mga gamot.