
Nakuha ng isang Filipina American ang Best Cinematography award para sa pelikulang “Sinners” ni Ryan Coogler sa Oscars ceremonies.
Si Autumn Durald Arkapaw ang kauna-unahang babae, unang Filipino, at unang Black, at unang Asian woman na manalo ng nasabing award sa halos 100 taon na kasaysayan ng Oscars.
Si Arkapaw ay tubong Masanto, Pampanga at American South.
Naging inspirasyon ni Arkapaw si Mathhew Labatique, ang kauna-unahang Pilipino na nakakuha ng Academy cinematography citation para sa “Black Swan,” at muling nakakuha ng pagkilala para sa “A Star Is Born” at “Maestro.”
Nag-aral si Arkapaw ng art history sa Loyola Marymount University, at pinangarap na maging gallery curator o photographer.
Subalit nagkaroon siya ng interes sa film photography nang kumuha siya ng film course bilang curriculum requirement at napanood ang ilang pelikula tulad ng “Broadway Danny Rose,” “Raging Bull,” at “Trainspotting.”
Kaugnay nito, sinabi ni Arkapaw na ipinanganak sa Oxnard, California, subalit lumaki sa San Francisco Bay Area na umaasa siyang makakabisita siya sa Pilipinas.
Samantala, ang “One Battle After Another” ang biggest winner matapos na makakuha ng limang trophies, na kinabibilangan ng Best Supporting Actor, Best Adapted Screenplay, Achievement in Casting, Achievement in Directing, Best Film Editing, at Best Picture.










