Pasok sa susunod na round sa women’s 50 kilogram boxing sa Paris Olympics ang Filipina boxer Aira Villegas matapos na makuha ang unanimous na panalo laban kay Yasmine Mouttaki ng Morocco ngayong umaga, oras sa Pilipinas.

Apat na judges ang nagbigay ng score na 29-28, habang isa ang nagbigay ng 30-27 pabor kay Villegas.

Nagpalitan ng matitinding suntok ang dalawa sa umpisa hanggang sa matapos ang laban, kung saan nakakonekta ng mga suntok ang Moroccan fighter.

Bagamat nakapagkonekta naman ng combinations si Villegas, ang kanyang sharp left sa nalalabing ilang segundo ang nagbigay sa kanya ng puntos.

Sunod na makakalaban ni Villegas si Roumaysa Boualam ng Algeria sa round of 16 sa umaga ng Biyernes, oras sa Pilinas.

-- ADVERTISEMENT --