Isinailalim sa home detention ang isang Filipina nurse matapos arestuhin sa Estados Unidos kaugnay ng umano’y malawakang healthcare fraud scheme na umaabot sa halos $1 bilyon.

Ayon sa mga ulat ng korte sa Texas, inaresto noong Hunyo 22 ang suspek na si Marizel Yukee at isinailalim sa arraignment sa harap ng US Magistrate Court sa Houston, kung saan itinanggi niya ang lahat ng paratang.

Kabilang sa mga kaso na kinahaharap niya ang conspiracy to commit wire fraud, healthcare fraud, money laundering, at illegal kickbacks, kaugnay ng umano’y pekeng medical claims at hindi kinakailangang treatment sa mga pasyente.

Batay sa imbestigasyon, pinapayagan lamang ang akusado na manatili sa kanyang tirahan sa ilalim ng mahigpit na kondisyon, kabilang ang pagsuot ng GPS ankle monitor, pagsuko ng pasaporte, at limitadong paglabas para lamang sa trabaho, medical needs, at court-related appointments.

Iniuugnay ng mga prosecutor ang kaso sa umano’y $906-milyong Medicare at TRICARE fraud scheme na tumarget sa mga elderly at terminally ill patients, na nagresulta sa daan-daang milyong dolyar na reimbursement.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na dinidinig ang kaso habang naghihintay ng paglilitis sa korte sa US.