Patuloy ang pagdating ng Filipino Hajj pilgrims sa Makkah sa Saudi Arabia.
Ayon sa Philippine Consulate sa Jeddah, umaabot na sa 1,120 Filipino Hajj pilgrims ang dumating sa Makkah.
Patuloy naman ang pagtutulungan ng Philippine Consulate General sa Jeddah, at ng Department of Foreign Affairs (DFA) Office of the Undersecretary for Migration Affairs, gayundin ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Hajj Supervisory Team para matiyak ang kalagayan ng Pinoy pilgrims sa Saudi Aarabia.
Regular din silang nakikipag-ugnayan sa MCDC Hajj Service Provider para walang maging aberya sa panahon ng pilgrimage.