Nanalo ang Filipino singer na si Sofronio Vazquez sa “The Voice USA” ngayong taon.

Si Vazquez ang kauna-unahan na Asian at unang Filipino na nanalo sa nasabing kompetisyon.

Sa finals, napahanga niya ang marami sa kanyang performance ng “Unstoppable” ni Sia at “A Million Dreams” mula sa “The Greatest Showman.”

Si Michael Buble ang nagsilbing coach ni Vazquez sa nasabing singing contest.

Matapos na ianunsiyo ang kanyang panalo, kinanta nina Vazquez aq Buble ang kantang “Who’s Lovin’ You.”

-- ADVERTISEMENT --