
Isiniwalat din ng isang nagpakilalang ‘ex-marine’ na si Benny Bulontate na ‘di umano, ‘niligawan’ daw sila na ‘wag nang magsalita.
Isa na umano rito ang isang ‘dating general Nic Torre’.
Aniya, matapos magsalita ni Orly Guteza hinggil sa flood control ay ‘niligawan’ daw siya ni Torre para manahimik.
Sila raw ay pinapirma ng isang affidavit para mapawalang-bisa ang mga sinabi ni Guteza.
Apat daw sa kanilang kasamahan ang napilitang pumirma dahil ‘naipit’ at iniwasang ‘mapahamak’ ang sarili.
-- ADVERTISEMENT --
Sila raw ay binigyan ng P50,000 sa pamamagitan ng kaniyang staff.
Papalitan din daw ng umano ang kanilang mga cellphone.
Ipinakita naman ng isa pang ‘ex-marine’ ang kaniyang iPhone 16E 128GB.










