
Nakuha ng Gilas Pilipinas ang unang panalo nito sa 2026 Asian Games matapos tambakan ang Kazakhstan, 109-78, sa Aichi International Arena.
Nanguna sina Jerrick Ahanmisi at Robert Bolick, na kapwa bumawi matapos hindi makapuntos sa nakaraang laro. Umiskor si Ahanmisi ng 22 puntos, kabilang ang pitong three-pointers, habang may 20 puntos si Bolick.
Nagpakawala rin si Bolick ng 13 puntos sa second quarter para pangunahan ang 20-2 run ng Gilas, bago naman kumana si Ahanmisi ng limang three-pointers sa final quarter.
Dahil sa panalo, umangat ang Gilas sa 1-1 record sa Group C matapos ang pagkatalo nito sa Bahrain sa opening game.
Susunod na haharapin ng Gilas ang undefeated na China sa Lunes, na may kartadang 2-0.
-- ADVERTISEMENT --










