
Binatikos ng Union of European Football Associations (UEFA) ang desisyon ng FIFA na huwag ipatupad ang awtomatikong suspensiyon kay United States striker Folarin Balogun matapos itong makatanggap ng red card sa laban kontra Bosnia-Herzegovina.
Dahil sa naging pasya ng FIFA, makakalaro si Balogun sa Round of 16 laban sa Belgium, bagay na tinawag ng UEFA na “walang kaparis, hindi maipaliwanag, at hindi makatarungan.”
Ayon sa organisasyon, malinaw sa regulasyon na ang isang red card ay may kaakibat na isang larong suspensiyon at hindi ito dapat maging discretionary.
Samantala, naghain na ng pormal na pagtutol ang Belgian Football Association sa pagiging eligible ni Balogun.
Lumabas din sa ulat na umano’y nakausap ni US President Donald Trump si FIFA President Gianni Infantino bago baligtarin ang suspensiyon, dahilan upang igiit ng UEFA na nalalagay sa panganib ang integridad at kredibilidad ng World Cup.










