Hindi pa rin makakuha ng break ang Gilas Pilipinas sa Fiba U17 World Cup.
Ito ay matapos silang makaranas ng pagkatalo mula sa Spain sa score na 96-34 sa Group A ng torneo sa Sinan Erdem Dome in Istanbul, Turkey kagabi.
Una na silang tinalo ng Lithuania noong Sabado sa score na 107-48.
Tanging si Joaquin Ludovice ang nakapagtala ng score sa first frame sa kanyang lay-up sa 16-0 start ng Spain.
Si Bonn Daja naman ang tanging nakapagtala ng double digit score na 12 points at limang rebounds.
-- ADVERTISEMENT --
Umaasa sng Gilas na magiging positibo ang pagtatapos ng kanilang kampanya sa torneo laban sa Puerto Rico bukas.