Nagtapos sa panalo ang Gilas Pilipinas sa kanilang huling tune-up game matapos tambakan ang Franklin Bulls ng New Zealand, 94-66, bilang paghahanda sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Pinangunahan ni Carl Tamayo ang Gilas sa naitalang 22 puntos, habang nag-ambag si Dwight Ramos ng 19 puntos, limang rebounds at limang assists.

Nagdagdag din ng 14 puntos si AJ Edu.

Hindi nakalaro si naturalized player Justin Brownlee, ngunit hindi ito nakaapekto sa dominanteng laro ng pambansang koponan.

Matapos ang dalawang sunod na panalo sa kanilang friendly games, haharapin ng Gilas ang New Zealand sa Biyernes at ang Australia sa Lunes para sa ikatlong window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

-- ADVERTISEMENT --