Magsisimula na ngayong unang araw ng Agosto ang mga aktibidad at mga kasiyahan sa 2024 Pavvurulun Afi Festival.

Isasagawa ang grand opening sa People’s gymnasium sa bahagi ng Mabini street mamayang 6:00 p.m.

Magbibigay ng mensahe si Mayor Maila Ting Que at si Mayor Mar-Len Abigail “Abby” Binay-Campos ng Makati City.

Isasagawa din sa pagbubukas ng Pavvurulun Afi Festival ang presentation ng Miss Tuguegarao 2024 candidates.

Bukod dito, maraming matutunghayan ang masasaya at magagandang performance ng mga performers.

-- ADVERTISEMENT --

Abangan din ang fireworks display.

Magbubukas ngayong araw ang Tabacalera sa Mabini street.

Magtatagal ang Pavvurulun Afi Festival sa August 17.