TUGUEGARAO CITY-Umaabot sa P300,000 ang halaga ng nasunog na tambakan ng mga “kitchen wares” sa Brgy centro 15 ,Aparri, Cagayan.

Ayon kay senior fire officer Arsenio Arate ng Bureau of Fire Protection (BFP) Aparri, batay sa salaysay ng may-ari ng bodega na si Elsa De leon,nakaranas umano ang kanilang bayan ng kawalan ng supply koryente sa kalagitnaan ng gabi.

Nagulat na lamang ang biktima kasama ang kanyang dalawang kasamahan nang biglang sumabog ang kanilang main switch nang bumalik ang supply ng koryente.

Hindi naman nagawang maapula ng biktima ang sunog dahil sa bilis ng pangyayari.

Umabot sa tatlong oras bago tuluyang naapula ang sunog kung saan walang naisalbang gamit ang biktima.

-- ADVERTISEMENT --