Inaasahang magkakaroon ng panibagong rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa ulat ng oil industry source, ang tapyas-presyo ay batay sa full-week trading data ng Mean of Platts Singapore (MOPS).

Magkakaroon umano ng bawas-presyo sa gasolina na RON 95 na P4.349 kada litro, habang sa gasolina na RON 92 at P3.679 kada litro.

Mababawasan din umano ng P3.16 kada litro sa kerosene at P19.91 kada litro naman ang bawas sa diesel.

Gayunpaman, maaari pa rin umanong maapektuhan ang aktuwal na presyo dahil sa market premium tulad ng gastos sa shipping at demand.

-- ADVERTISEMENT --