photo credit: PNP Lasam

Tuguegarao City- Huli ang itinuturing na high value target individual matapos makuhanan ng humigit-kumulang P1M na halaga marijuana sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Centro 1, Lasam, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Robina Littaua, Agent Team Leader ng PDEA Cagayan, nakuha sa mismong bahay at pag-iingat ni Romel Maguddayao, 37 anyos, registered criminologist ang 9 bricks ng itinitindang marijuana.

Aniya ay matagal ng minamanmanan ng mga otoridad ang iligal na gawain ng suspek matapos itong ipagbigay alam ng mga concerned citizen.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad kung saan at kanino kinukuha ng suspek ang mga itinitindang supply ng marijuana.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Lasam ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9156 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --
tinig ni Littaua