
Nasaklolohan kamakailan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 32 mga pasahero ng isang pangisdang bangka sa katubigang malapit sa Barangay Punta sa Calatagan, Batangas.
Ayon sa Philippine Coast Guard Southern Tagalog District, nakatanggap ng isang distress call ang substation nito sa Balayan mula sa isang concerned citizen hinggil sa paglubog ng FBca Prince 2 bandang tanghali.
Na-rescue ng isang dumaraang fishing boat ang unang 14 na pasahero, at sumaklolo rin ang response team sa natitirang 18 indibidwal.
Kabilang sa mga na-rescue na ito ay ang sanggol at 20 bata.
Sa ulat ng mga otoridad, naglayag ang bangka mula Barangay Navotas sa Balayan papuntang Calatagan para sa mag-swimming ngunit naapektuhan ang kanilang biyahe ng malalaking alon.
-- ADVERTISEMENT --










