
Nasawi ang hindi bababa sa 51 katao sa Iran matapos tamaan ng Israeli airstrike ang isang elementaryang paaralan para sa mga babae sa Minab, Hormozgan, ayon sa state media.
Batay sa Iranian reports, lagpas 40 na ang kumpirmadong nasawi sa nasabing pag-atake.
Iniulat ng Mehr News Agency na dalawa pang estudyante ang nasawi sa hiwalay na Israeli strike sa Tehran.
Tinukoy ng mga ulat na ang pag-atakeng ito ay tumama sa “civilian target” at maaaring magdulot ng mas malaking kontrobersiya laban sa Israel at U.S.
Bagaman nangako si U.S. President Donald Trump ng tulong para sa mga mamamayan ng Iran, itinuturing ng pamahalaan ng Iran ang insidente bilang paglabag sa international law.
Ayon sa Ministry of Health and Medical Education ng Iran, libo-libong sibilyan ang nasawi o nasugatan, at marami ang nawalan ng pampublikong imprastraktura, kasabay ng 12-araw na digmaan sa pagitan ng Amerika at Israel laban sa Iran noong Hunyo 2025.










