
Mananatiling nakakulong si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa New Quezon City Jail Male Dormitory matapos tanggihan ng Sandiganbayan ang hiling niya na mailipat patungong Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.
Ibinasura rin ng Third Division ng anti-graft court ang mosyon ni Revilla na i-quash ang impormasyon at ibalik ang kaso sa Office of the Ombudsman para muling imbestigahan.
Ayon sa korte, hindi sapat ang inilahad na dahilan ni Revilla upang mapagbigyan ang kanyang kahilingan, lalo na ang alegasyong nasa panganib ang kanyang buhay dahil siya ay pinupuntirya sa loob ng kulungan.








