Kinumpirma ng House prosecution panel na personal silang dadalo sa pag-convene ng Senate impeachment court sa Lunes, Mayo 18, sa ganap na 3 p.m.

Ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon, isa sa mga prosecutor, magpapakita ang 11-member panel sa session matapos ipahayag ni Senate President Alan Peter Cayetano ang pagtitipon ng impeachment court.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang House prosecution panel sa pagsisimula ng proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Nakatakdang dinggin ng impeachment court ang susunod na hakbang sa kaso sa naturang sesyon.