Posibleng iendorso ng House prosecution panel sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman ang mga alegasyon ng bribery laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House lead prosecutor at Representative Gerville Luistro, maaari silang magsumite ng endorsement upang magsagawa ng preliminary investigation kaugnay ng posibleng pagsasampa ng kaso laban kay Duterte at sa ilang opisyal ng Department of Education (DepEd).

Ito ay matapos bawiin ng prosecution panel ang Article III o bribery charge sa impeachment trial ng Bise Presidente.

Sa ilalim ng naturang alegasyon, umano’y nagbigay si Duterte ng pera sa mga opisyal ng DepEd upang hikayatin silang labagin o iwasan ang mga batas sa procurement.

Samantala, nagpapatuloy ang pagtalakay ng Senado sa Article II ng impeachment complaint na tumutukoy sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni Duterte.

-- ADVERTISEMENT --