Kinumpirma ng International Criminal Court (ICC) na lehitimong dokumento ng korte ang arrest warrant laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na kumalat sa media nitong Lunes, Mayo 11.

Ayon sa ICC, ang warrant ay inilabas nang kumpidensyal at “under seal” ng Pre-Trial Chamber I noong Nobyembre 6, 2025.

Nakasaad sa warrant na si dela Rosa ay umano’y may pananagutan bilang “indirect co-perpetrator” sa mga krimeng naganap mula Hulyo 2, 2016 hanggang katapusan ng Abril 2018, kung saan hindi bababa sa 32 katao ang nasawi.

Sinabi rin ng ICC na kasalukuyan nang isinasagawa ang proseso para alisin ang pagiging kumpidensyal ng warrant.

Unang isinapubliko ang pagkakaroon ng warrant noong Nobyembre 8, 2025 ni dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na ngayon ay Ombudsman.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang ilang buwan ding hindi nagpakita si dela Rosa sa Senado matapos lumabas ang ulat tungkol sa warrant.

Muling nagpakita si dela Rosa sa Senado nitong Mayo 11 at nakibahagi sa botohan para patalsikin si dating Senate President Tito Sotto.

Pagpasok niya sa Senado, hinabol umano siya ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).