Natagpuan na ng mga rescue team ang bangkay ng ikalawang binatilyo na nalunod sa Cagayan river sa Barangay Maddarulug Norte, Enrile, Cagayan nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si alyas Gi, 13-anyos, at residente ng Barangay San Roque, Enrile.

Natagpuan ang wala nang buhay na biktima malapit sa lugar kung saan sila huling naligo, dakong tanghali kahapon.

Matatandaang dalawa ang nalunod sa walong estudyante ng Enrile Vocational High School ang tumakas sa kanilang klase at pumunta sa ilog.

Una na rin iniutos ni Mayor Miguel Decena Jr. ang malalimang imbestigasyon, kabilang ang umanoy fraternity recruitment bilang isa sa mga anggulong tinitingnan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, pinasalamatan ng LGU Enrile ang mga rescue team at ahensyang nakipagtulungan sa search and rescue operation.