TUGUEGARAO CITY-Nagsimula nang lumisan ang ilan sa mahigit 200 na illegal settlers sa Barangay Runruno sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya dahil sa tulong ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ng mga spokesperson ng mga illegal settlers sa sitio Bit-ang Kinalabasa at compound matapos ipakita ng DENR-Mines & Geo-Sciences Bureau sa isinagawang dialogue ang mapanganib na kundisyon ng kanilang kinalalagyan bilang mga geo-hazard zones.
Ayon kay Mayor Dolores Binwag, naglaan na ng pondo ang LGU upang makabili ng ligtas na relocation area para sa mga illegal settlers.
Ayon naman kay Provincial Legal Officer Voltaire Garcia, inihahanda na ang assessment value ng mga ari-arian ng mga illegal settlers upang maging basehan sa maaaring kabayaran sa kanilang FCF minerals corporation at ng pamahalaan.
Handa umano ang FCF Minerals Corporation na bayaran ang mga ari-arian ng mga illegal settlers na sakop ng kanilang mining permit.
Una rito, ipinag-utos ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pag- relocate sa mga naninirahan sa mga delikadong lugar gaya ng mga landslide prone areas.
Matatandaan, sampu ang nasawi matapos na matabunan sa naganap na landslide malapit sa minahan sa Brgy Runruno sa kasagsagan ng bagyong Ulysses. with reports from Bombo Marvin Cangcang