Naalarma ang isang toxic watchdog group sa patuloy na bentahan ng mga skin whitening products na nagtataglay ng mataas na antas ng nakalalasong mercury.

Sa kabila na ipinagbawal ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbebenta ng produkto simula noong 2023, sinabi ni Ban Toxics Campaigner Thony Dizon na makikita pa rin sa mga pamilihan at online shops ang ibat-ibang mga “Goree” products.

Aniya, mapanganib ang naturang produkto dahil sa nagtataglay ito ng mercury na nakakaapekto sa utak, reproductive health, at pangkalahatang kalusugan, lalo na sa mga buntis at mga bata.

Dagdag pa ni Dizon, isang pangunahing dahilan kung bakit nananatiling laganap ang mga ganitong produkto ay ang smuggling at illegal na importasyon mula sa ibang bansa, partikular na sa Pakistan, kung saan nagmula ang mga produktong ito.

Pinayuhan niya ang publiko na maging mapanuri sa mga binibiling cosmetics at i-report sa mga awtoridad kapag nakakita ng mga ganitong produkto.

-- ADVERTISEMENT --