Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na natapos na ang kanilang imbestigasyon sa pagkalunod ng dalawang Ateneo de Manila University student-athletes habang nasa team-building activity sa Dipaculao, Aurora.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, nasa kamay na ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang kaso para sa pagsusuri at pagdedesisyon.

Nauna nang nagrekomenda ang NBI ng pagsasampa ng kaso laban sa dating Ateneo men’s basketball head coach Tab Baldwin at 11 iba pa kaugnay ng pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Samantala, sinabi ng DOJ na pinagsama na nila ang rekomendasyon ng NBI at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), at wala pa umanong pormal na kasong naihahain sa korte.