
Inilabas noong Biyernes ang disenyo ng planong 250-foot na “Independence Arch” sa Washington, Estados Unidos na isinusulong ni US President Donald Trump. Kung maaaprubahan, inaasahang babago ito sa tanawin ng kabisera.
Ang disenyo ay hango sa Roman Arch of Titus at Arc de Triomphe sa Paris, at may kasamang malalaking estatwa kabilang ang isang figure na kahawig ng Statue of Liberty na may pakpak, at dalawang agilang estatwa.
Itatayo ito sa isang traffic circle sa pagitan ng Lincoln Memorial at Arlington National Cemetery bilang paggunita sa 250th anniversary ng Estados Unidos, ngunit kinakailangan pa itong aprubahan ng Commission of Fine Arts at posibleng harangin sa korte dahil sa mga kaso mula sa ilang residente.
Kasabay nito, may iba pang plano ang administrasyon tulad ng pag-aayos sa mga gusali at kalsada sa Washington, kabilang ang Pennsylvania Avenue, bilang bahagi ng beautification campaign sa kabisera.










