Muling natagpuan ang isang bihirang jade vine, isang endemic na halaman na kilala sa makapigil-hiningang turkesa nitong mga bulaklak, sa kabundukan ng Baggao, Cagayan.

Ayon sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Alcala, ang halaman ay natuklasang tumutubo bilang baging sa ilalim ng matatandang puno sa mga bahaging may lilim ng kagubatan.

Sinabi ng mga awtoridad na sinisikap nilang paramihin ang species sa pamamagitan ng marcotting, paggamit ng buto at iba pang bahagi ng halaman, upang maitanim sa mga lugar na may maayos na kondisyon ng kagubatan.

Aabot lamang ng dalawa hanggang tatlong linggo ang pamumukadkad ng jade vine bago ito malanta.

Ayon sa mga opisyal, ang muling pagkakatuklas sa halaman ay nagpapatunay sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga kagubatan upang mapanatili ang mga bihira at natatanging uri ng halaman at hayop.

-- ADVERTISEMENT --