Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang importation ban sa mga produkto galing Netherlands, kabilang ang mga agriculture at poultry products nito.
Pinirmahan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Memorandum Order 31, upang pormal na alisin ang importation ban.
Kasunod nito ang anunsyo ng World Health Organization na wala nang kaso ng avian influenza sa Netherlands.
Matatandaang mula Mayo 16, 2025 ay wala nang naitalang kaso ng avian influenza sa naturang bansa.
Nakapaloob sa importation ban ng DA ang mga poultry products tulad ng karne ng manok, itlog, mga sisiw.
Nobyembre 17 noong nakaraang taon ay kinumpirma ang paglaganap ng Highly Pathogenic Avian Influenza (NPAI) sa Putten, Gelderland, sa Netherlands.
Nakasaad sa memorandum na nilagdaan ni Laurel, base sa mga pag-aaral ng DA ay wala ng banta ng kontaminasyon sa pag-import ng mga poultry product mula sa Netherlands.
Sinabi ng ahensiya na pag-uutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagiging maingat sa pagpili ng mga pagkukunang produkto ng karne para masigurong ligtas ang food security ng bansa sa banta sa kalusugan ng mga hayop at agrikultura.