
Sinabi ng Iran na hindi na maaaring muling buksan ang Strait of Hormuz habang nagpapatuloy ang blockade ng Estados Unidos at gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.
Ayon sa Parliament Speaker ng Iran na si Mohammad Bagher Ghalibaf, ito ay dahil sa umano’y paglabag ng US sa tigil-putukan at sa patuloy na operasyon militar sa mga daungan ng Iran.
Nauna rito, inulat na sinamsam ng Iran ang dalawang cargo ship sa naturang daluyan ng dagat, kasunod ng pagpapalawig ng ceasefire ng Estados Unidos.
Nanatiling nakaantala rin ang nakatakdang pag-uusap ng US at Iran sa Pakistan.
Dahil sa sitwasyon, itinuturing na delikado na ang Strait of Hormuz para sa karamihan ng mga barko, na posibleng makaapekto sa pandaigdigang suplay ng langis at ekonomiya.
-- ADVERTISEMENT --










