Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 86 ng habang-buhay na pagkakakulong ang isang ina matapos mapatunayang nagbenta siya ng malaswang mga litrato at video ng kanyang anak online.
Bukod sa pagkakakulong, sinabi din ng korte na magbabayad siya ng P2 milyong multa.
Ang kaso ay umusbong mula sa isang ulat mula sa FBI hinggil sa mga Filipino facilitators ng online sexual abuse at exploitation ng mga bata.
Naaresto ang ina sa isang entrapment operation kasama ang kanyang asawa.