Humingi ng paumanhin ang ina ni Carlos Yulo sa kanyang anak kaugnay ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

Sinabi ni Angelica Yulo sa isang pulong balitaan kasama ang kanyang abogado na si Raymund Fortun na sang-ayon siya sa sinabi ni Carlos na isantabi na ang anomang issue sa pagitan nilang dalawa.

Ayon sa kanya, alam niya na iispin ng iba na kaya lamang siya humihingi ng paumanhin ay dahil sa kanyang panalo o dalawang gintong medalya sa Olympics.

Idinagdag pa niya na humihingi siya ng kapatawaran at isa lamang umano siyang ina na nag-aalala para sa kanyang anak.

Sinabi niya na mature na si Carlos at may kalayaan siya na gumawa ng desisyon para sa kanyang buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa kay Angelica, bukas ang kanilang pintuan, mayroon man o wala siyang pera.

Inamin ni Angelica na hindi na niya nababawi ang kanyang mga naunang sinabi, subalit handa siya at ang kanyang ama para sa pag-uusap para maayos na ang kanilang gusot.

Himingi din ng paumanhin si Angelica sa mamamayan ng bansa sa mga sinabi sa mga panayam sa kanya, dahil sa pagod na umano siya sa panonood sa kanyang anak sa mga laro niya sa Paris Olympics.

Panalangin ni Angelica na maghihilom ang sugat na nilikha ng hindi nila pagkakaunawaan.