Natagpuang patay sa loob ng silid ang tatlong taong gulang na lalaki at pitong buwang gulang na babaeng sanggol sa Barangay Magsaysay, Nabunturan, Davao de Oro kahapon ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang ina ng mga bata ang mismong nanaksak sa kanyang mga anak.

Mismong ang isa pang anak ang nagturo sa kanyang ina na sumaksak-patay sa kanyang mga kapatid.

Nakita ng mga pulis na may mga saksak sa katawan ng mga bata na dahilan ng kanilang agarang pagkamatay.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang nagbunsod sa ina para patayin ang kanyang sariling mga anak.

-- ADVERTISEMENT --