Umabot na sa 52 barangay sa lalawigan ng Albay ang apektado ng ashfall dulot ng patuloy na pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Mayon, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagdulot ng magkakasunod na volcanic activity ang pagkalat ng abo sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Ayon sa OCD Region 5, kabilang sa mga apektadong lugar ang mga barangay sa mga bayan ng Camalig at Guinobatan, gayundin sa Lungsod ng Ligao.

Patuloy pa rin ang pag-ulan ng abo sa ilang lugar batay sa pinakahuling update.

Bilang tugon, naghanda na ang mga awtoridad ng face masks para ipamahagi sa mga residente sa apektadong komunidad.

-- ADVERTISEMENT --

Nakikipag-ugnayan din ang OCD sa mga lokal na pamahalaan, PHIVOLCS, at Department of Health upang matiyak ang agarang tulong at proteksyon sa kalusugan ng mga apektadong mamamayan.

Patuloy namang binabantayan ang sitwasyon sa Bulkang Mayon dahil sa umiiral nitong mataas na antas ng aktibidad.